Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-DOLE chief, Ople puntirya sa gabinete ni Marcos

0 93

Inimbitahan ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sina dating Labor Secretary Bienvenido Laguesma at OFW advocate Toots Ople na maging bahagi ng kanyang gabinete.

Sa press briefing ngayong Martes, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson at chief of staff ni Marcos na kinausap ng papasok na pangulo ang dalawa bago ito pumunta sa Australia.

“Ito ‘yong mga taong respetado sa larangan ng labor and employment na kanyang kinausap at tinanong kung nais maglingkod sa gobyerno at sa ilalim ng pamahalaang Marcos,” sabi ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na ikinalugod ng dalawa ang imbitasyon na pamunuan ang DOLE subalit nag-iisip pa umano ito kung tatanggapin ang alok o hindi.

“At sila naman ay very warm ‘yong pagtanggap, very honored but ‘yon nga when you are doing in the private sector and you’re doing so well in private practice medyo challenging din na maimbita mo sa pamahalaan dahil sakripisyo yan. And humihingi sila ng konting panahon na makonsulta at makausap ‘yong kanilang mga mahal sa buhay siguro ‘yong ilang kaibigan at ‘yong mga taong kanilang pinaniniwalaan, pinakikinggan at hihingin ng payo,” dagdag pa ni Rodriguez.

Patuloy rin umano ang screening sa mga maaaring maging bahagi ng gabinete ng papasok na administrasyon, ayon kay Rodriguez. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.