Una sa Balita

Ex-DFA sec supalpal sa hirit na magpasaklolo sa UN

0 309

MALAMIG ang Malacañang sa mungkahi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na dalhin sa United Nations Gene­ral Assembly ang isyu sa hindi pagkilala ng China sa naging panalo ng Pilipinas sa karapatan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang saysay para gawin ito dahil walang kapangyarihan ang UN na obligahin ang China para kilalanin ang arbitral ruling.

“For one, it’s futile exercise. Why? Because UN has no enforcement force. ‘Yung sina-cite niyang Nicaragua, o may nangyari ba doon? Wala naman. Ganoon pa rin, ‘di ba?” ani Pa­nelo.

Kaya kumbinsido aniya si Pangulong Rod­rigo Duterte na tama ang kanyang ginaga­wang hakbang sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea sa halip na maging agresibo sa China, at pagtuunan ang ibang aspeto na maaaring pakinabangan ng dalawang bansa, partikular ang joint exploration sa mga pinag-aagawang teritoryo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy