Una sa Balita

Ex-Daraga Mayor plinanong patayin ni Baldo

By
0 738

IBINUNYAG ng pangunahing testigo ng Phi­lippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Mayor Carlwyn Baldo na binalak din nitong ipapatay ang pumanaw na alkalde ng kanilang bayan sa Daraga, Albay.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni PNP-CIDG director Chief Supt. Amador Corpuz, na base na rin ito sa testimonya ni Emmanuel Judavar, ang pangunahing testigo sa pamamaslang kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Corpuz, vice mayor pa lang noon si Baldo pero gusto na agad nitong maging alkalde ng kanilang bayan kaya isang grupo ng gun for hire ang kanyang kinausap at inalok ng halagang P350,000 para likidahin si dating Daraga Mayor Gerry Jaucian.

“Gusto niya mag-mayor kaagad, so plinano niya na ipapatay si Jaucian,” pahayag ni Corpuz.

Pero bago pa man ani­ya naisakatuparan ang pagpatay kay Jaucian ay pumanaw ito dahil sa sakit na lung cancer noong Mayo 4, 2018.

“Plinano si Mayor Jaucian. Nagkataon lang namatay siya noon,” ani Corpuz.
Matatandaang una nang inamin ni Juadavar na naging parte siya ng planong pagpatay kay Batocabe na tinangkang isagawa noong Agosto 2018 pero hindi siya natuloy na sumama sa grupo dahil na rin sa nagkaroon sila ng argumento ni Baldo.

Naisagawa ang pagpatay kay Batocabe noong Disyembre 22, 2018 kung saan napatay din ang police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz habang paalis na ang mambabatas mula sa pamimigay ng regalo sa mga senior citizen at person with disability sa isang covered court sa Daraga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy