Una sa Balita

Ex-DA secretary kapalit ni Piñol

0 309

May bago nang kapalit si Agriculture Secretary Manny Piñol sa katauhan ni William Dar.

Si Dar ay dating kalihim ng D.A. noong panahon ng Estrada administration mula 1988 hanggang 1999.

Naging recipient si Dar ng Outstanding Filipino Award noong 2016 na mismong ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang dahil sa naging kontribusyon nito sa larangan ng Agrikultura.

Isa si Dar sa mga Pilipinong tinaguriang “champion of the poor” dahil sa pagtutok nito sa mga mahihirap na magsasaka at mga mangingisda lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa.

Matatandaang boluntaryong nagbitiw si Piñol sa kanyang posisyon at hiniling na mailipat ito sa ibang puwesto.

Ibinigay ng Pangulo kay Piñol ang Mindanao Development Authority para tumulong na mapaunlad ang Mindanao region.

Kasama rin sa mga bagong appointee ng Pangulo ay si Court of Appeals justice Rodil Zalameda na itinalaga sa Supreme Court kapalit ni Associate Justice Mariano del Castillo na nagretiro noong July 29,2019 matapos maabot ang mandatory retirement age na 70. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy