Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-cop, tropa laglag sa P500K shabu

0 88

Nadakip ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (NPD-DDEU) ang isang dating miyembro ng Philippine National Police pati na tropa nito sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Ramon Aquiatan, pinuno ng NPD-DDEU, ang mga naaresto na sina Freddielin Alayon, 37, dating pulis, residente ng Kaunlaran Village ng nasabing lungsod; at Rommel Gonzaga, 27, binata, ng San Francisco Del Monte, Quezon City, kapwa nasa drug watchlist ng NPD-DDEU.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ugat ang pag-aresto kina Alayon at Gonzaga matapos makatanggap ng sunud-sunod na reklamo ang pulisya mula sa mga kapitbahay ng dalawa dahil sa lantarang pagbebenta ng shabu sa kanilang lugar.

Alas-10:30 ng gabi ikinasa ang buy-bust sa Rizal Avenue cor. C-3 Road sa Barangay 113 kung saan nakapkapan ang mga suspek ng 80 gramo ng shabu na may halagang P544,000.

Apat na taon nang wala sa serbisyo si Alayon matapos masibak dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.