Una sa Balita

Ex-cop na tulak todas sa buy-bust

0 482

PATAY ang isang retiradong pulis na tulak ng iligal na droga nang maki­pagpalitan ng putok sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsagawa ng buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City kahapon nang madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na nakilalang si retired Corporal Tirso Lactaotao, 48, residente ng Brgy. Bagumbayan, Pili­lia, Rizal.

Nakatanngap umano ng impormasyon ang IMEG, na talamak na nagbebenta ng shabu ang suspek sa Brgy. Bagumbayan sa bayan ng Pililia, Rizal at karatig lugar.

Dakong alas-12:25 nang madaling-araw nang maganap operasyon sa kahabaan ng Austria St., Brgy. Novaliches.

Isang police poseur buyer ang kumuha ng shabu sa suspek subalit natunugan ng huli na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang paputukan ang mga pulis na gumanti ng putok at kinamatay ni Lactaotao

Ayon pa kay Lee, maagang nagretiro ang suspek noong Nobyembre at base sa intelligence report ng ahensya ay nag-full blast na ito sa pagtutulak ng iligal na droga.

Nasamsam sa suspek ang isang .9mm na baril, mga ID, P2,000 buy-bust money, dalawang cellphone at pitong sachet ng shabu.

Samantala, minomonitor pa ng IMEG ang 10 ‘nina cops’ na umano’y konektado rin sa iligal na droga. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy