Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-colonel na dawit sa murder, lumutang

0 167

Isang dating pulis na nadadawit sa pagpatay ng ilang politiko sa La Union ang lumutang, ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Kinilala ang pulis bilang si dating Lt. Col. Wilson Magpali.

Ayon kay Eleazar, sumuko si Magpali dahil sa takot sa kanyang buhay, at para malinis umano ang kanyang pangalan.

“Accompanied by private counsel, Magpali voluntarily appeared before the office of PNP Intelligence Group on Monday and executed an affidavit attesting that he voluntarily submitted himself to the PNP ‘to clear my name, seek redress and protection from possible harm against me’,” saad ni Eleazar.

Dagdag pa nito, itinanggi ng dating pulis ang ugnayan sa Magpali Gun for Hire Group.

“He maintained that ‘I am not the leader of the Magpali Gun for Hire Group and has no knowledge on the accusation of planned killing of politicians in La Union’,” pahayag pa ng PNP.

Sa affidavit na pinirmahan ni Magpali sa PNP, nangangako itong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng naturang gun for hire group. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.