Una sa Balita

Ex-CIA agent ng pelikulang ‘Argo’, pumanaw na

0 397

PUMANAW na ang dating CIA agent na si Tony Mendez sa edad 78 dahil sa mga komplikasyon dulot ng Parkinson’s disease.

Kinilalang bayani ng US government si Mendez matapos itong gumawa ng paraan para maitakas ang anim na Amerikanong diplomat na nagtago sa Canadian embassy matapos salakayin ang US Embassy sa Iran at gawing hostage ang 52 empleyado noong 1980.

Nagpanggap siyang direktor at tumungo ng Teheran para sa location scouting ng pekeng pelikulang Argo. Kinuha niya ang anim na diplomat bilang production staff at pinagamit ng Canadian passport.

Nailabas ni Mendez ng Iran ang anim sakay ng eroplano noong Enero 27, 1980.
Ginawan ito ng pelikula ni Ben Affleck gamit ang orihinal na titulong Argo at nagwagi ng 3 Oscars noong 2013 kabilang ang best picture.

Magkakaroon ng private burial kay Mendez sa Nevada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy