Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ex-chairman todas sa drug bust

0 207

Utas ang dating kapitan ng barangay nang manlaban diumano sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Davao City.

Kasunod ng nakuhang tip, agad na ikinasa ang operasyon laban kay Jorge Taho, 58, sa isang inn sa Brgy. Lubogan sa Toril district nitong Huwebes.

Nang magkakumpirmahan sa transaksyon, imbes na sumuko nang malaman na pulis ang kaharap sa buy-bust, ay sinubukan niya umanong barilin ang mga operatiba na gumanti rin ng putok.

SM food to go Banner Ad

Hindi na ito umabot nang buhay sa ospital.

Nakuha sa suspek ang aabot sa P35,000 halaga ng shabu at isang .45 caliber pistol na may mga bala.

Nakulong na umano ang suspek noon dahil sa parehong kaso pero nakalaya nang tumanggap ng plea bargain. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.