Una sa Balita

Ex-chairman tinodas sa La Union

0 368

PATAY ang dating barangay chairman, na high va­lue target na drug personality, matapos siyang pasukin at pagbabarilin sa kanyang bahay sa Barangay Rissing, Bangar, La Union noong Huwebes nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Roger Sibayan, 39-an­yos. Naganap ang insidente bandang alas-3:20 nang madaling-araw at natutulog ang biktima nang pasukin siya ng mga suspek.

Sa testimonya ng asawa ng biktima na si Josie, nakita nilang magkakamag-anak kung paano kinaladkad at pagbabarilin si Roger ng apat na hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na noong Agosto 2016 ay naaresto si Ro­ger habang ito ay nanunungkulan bilang kapitan ng kanilang barangay matapos matuklasan ng mga pulis sa isinagawang search operation ang itinatago umano nitong shabu at bala ng baril sa loob ng kanyang bahay.

Ayon sa police record, sa nabanggit na taon ay itinuturing ng pulisya na number 1 drug personality sa bayan ng Luna habang pang-walo naman sa buong lalawigan ng La Union o high value target si Sibayan. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More