Una sa Balita

Ex-Cebu Mayor Loot: Imbestigahan niyo ko para magkaalaman

0 349

HINILING ni dating Daanbantayan, Cebu mayor at retiradong police general Vicente Loot sa National Bureau of Investigation (NBI)-7 na maimbestigahan ito para malinis umano ang kanyang pangalan sa mga alegasyon na nag-uugnay diumano sa kanya sa iligal na droga.

Sa liham na may petsang Hulyo 13, 2019 na ipinaabot para kay NBI-7 director Tomas Enrile, sinabi ni Loot na handa itong sumailalim sa im­bestigasyon para mapatunayang inosente ito.

“I respectfully request an independent investigation be conducted by your office on the matter to establish the truth about the accusations, past and present,” ani Loot.

Matatandaan na iniugnay ni Pangulong Rod­rigo Duterte si Loot bilang protektor ng mga drug lord at nagsasagawa rin ng aktibidad kaugnay sa iligal na droga.

“I am willing to face those charges if true, and will make myself available for interview or requests for information about my life and activities if it will help expedite your investigation,” ayon pa sa dating alkalde.

Ayon pa sa dating alkalde, handa itong harapin ang anumang kaso kung mapatutu­nayan ang mga paratang sa kanya.

Sa kaparehong liham, sinama ni Loot ang investigation report na sinumite ng Investigation and Detection noong Oktubre 2016 na nagpapawalang-sala rito kaugnay sa pagkakasangkot nito sa iligal na transaksyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy