Una sa Balita

Ex-Cafgu todas habang naglilinis ng kanal

0 347

Patay ang isang dating miyembro ng Cafgu matapos itong pagbabarilin habang naglilinis ng kanal kamakalawa ng hapon sa bayan ng Las Navas, Northern Samar.

Idineklarang dead-on-arrival sa pinagsugurang pagamutan ang biktimang nakilalang si Amancio P­erez, nasa hustong gulang, dating miyembro ng Cafgu at residente ng Brgy. Quirino Poblacion ng nasabing bayan.

Samantala inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis tumakas sakay ang kanyang motorsiklo matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng E­astern Visayas Regional Office, naganap ang insidente pasado alas-dos nang hapon sa harapan ng bahay ng biktima sa Brgy. Quirino ng nabatid na bayan.

Kasalukuyan itong naglilinis ng kanal ng bigla na lang dumating ang suspek lulan ng motorsiklo at armado ng kalibre .45 at pagbabarilin ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis ding tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo habang sinubukan pang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit patay na ito pagdating doon.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril gayundin ang pagkakakilanlan ng suspek. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy