Una sa Balita

Ex-Butuan mayor, 8 pa kinasuhan sa abono scam

By
0 2

Inihabla ng Tanggapan ng Ombudsman sa Sandi­ganbayan ang dating alkalde ng Butuan kasama pa ang walong iba pang lokal na opisyales dahilan sa fertilizer fund scam.

Kasama sa mga sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina former Butuan mayor Leonides Theresa Plaza at walong opisyales na sina former vice-mayor Angelo Calo, Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia at Melita Loida Galbo.

Base sa pagsisiya­sat, tumanggap ang lokal na pamahalaan ng Butuan ng halagang limang mil­yong piso noong 2004 bilang bahagi ng kanilang alokasyon sa implementasyon ng Farm Inputs at Farm Implements Program ng Department of Agriculture (DA).

“To implement the project, Plaza signed a purchase request dated 14 April 2004 covering the procurement of 3,333 bottles of liquid organic fertilizer costing P1,500 per liter,” ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman.

Ayon sa ginawan­g pagsusuma ng Commission on Audit (COA) ay nag-isyu ang tanggapan ng Notice of Disallo­wance matapos madiskubre na nagkaroon ng pag­labag sa procurement.

Napag-alaman din ng COA na ang mga ginamit na pataba o abono ay may kaparehong kalidad sa halaga lamang nas P125.00 per liter