Una sa Balita

Ex-board member dedo sa coronavirus

0 423

PATAY noong Huwebes ang dating Pangasinan board member mula sa Urbiztondo, Pangasinan dahil sa nagpositibo ito sa coronavirus disease-2019 (COVID-19), ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO).

Ayon sa report ng PPHO, ang dating Pangasinan board member ay namatay noong Huwebes ngunit lumabas ang kanyang test result na nagpositibo siya sa COVID-19 noong Biyernes, March 27.

Samantala, dalawang kaso pa ng COVID-19 ang naitala ng PPHO at ito ay sa bayan ng Bugallon at Urdanita City.

Sa Bugallon, isang lalaking residente ang kinunan ng kanyang blood sample sa isang ospital sa Mandaluyong City sa National Capital Region matapos siyang makaranas ng sore throat at bumiyahe patungong Pangasinan kasama ang lima pa noong Huwebes.

Ayon sa report, noong Huwebes, dahil hindi niya pinaalam na siya ay Person Under Investigation (PUI), ang positive result ay nalaman lamang noong Biyernes ng hapon.

Dito, pinag-utos ni Bugallon Mayor Priscilla Espino na i-lockdown ang buong Barangay Salomague Sur, Bugallon at iimbestigahan ng mga otoridad kung paano nakalusot ang pasyente sa mga checkpoint mula Mandaluyong hanggang Bugallon. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More