Una sa Balita

Ex-BF sa Christine killing balik-kustodiya

By
0 399

MULING ibinalik sa kustodiya ng City Social Welfare Office (CSWO) ng Lapu-Lapu City sa Cebu ang 17-anyos na binatilyo na itinuturong brutal na pumatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan.

Ayon kay Atty. Vincent Isles, abogado ng suspek, ibinalik nila kahapon nang umaga sa CSWO ang binatilyo na sinamahan pa ni Lapu-Lapu City Prosecutor Ruso Zaragosa.

Ang pagbabalik sa CSWO ng binatilyong Children in Conflict with the Law (CICL) ay matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Zaragoza ang muling pag-aresto dito.

“Binalik na namin kanina mga bandang alas-10:00 ng umaga ‘yung bata, mula sa safe house, dinala namin doon sa homecare facility ng Lapu-Lapu City government, under po to sa pamamahala ng local DSWD (Department of Social Welfare and Development) natin doon,” pahayag ni Atty. Isles.

Base sa resolusyon ng motion for reconsideration na isinumite ng National Bureau of Investigation (NBI)-Central Visayas nitong Miyerkuoles, nakasaad dito ang request ni Zaragoza sa ina ng 17-anyos na boluntaryo niyang isuko sa nasabing pasilidad ang anak.

“Of course hindi madali para sa ina na ibalik doon, kasi kahit sabihin na residential facility at hindi bilangguan, parang bilanggo na rin ‘yung bata,” saad ng abogado nito.

Matatandaang pinalaya ang 17-anyos na binatilyo noong Marso 23 matapos kuwestiyunin ni Atty. Isles ang basehan ng pag-aresto.

Ang binatilyo ang itinuturong pangunahing suspek sa brutal na pagpatay kay Silawan na bukod sa sinaksak ng 30 beses ay kinuha pa ang lamang loob at binalatan pa ang mukha nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy