Una sa Balita

Ex-beauty queen na naging titser inaresto sa pinadalang nude photo sa estudyante

0 766

ISANG dating beauty queen ng Kentucky at contestant ng Miss America na ngayon ay isa nang guro, ang inaresto ng pulisya noong Biyernes dahil sa pagpapadala ng hubad niyang larawan sa 15-anyos niyang dating estudyante.

Sinampahan ng apat na felony charges si Ramsey BethAnn Bearse dahil sa pagpapadala ng larawan ng kanyang dibdib sa dati niyang estudyante.

Ang magulang ng estudyante ang nakatuklas ng hubad na lara­wan ng 28-anyos na guro at agad na inalerto ang awtoridad.

Si Bearse, may asawa at science teacher sa Andrew Jackson Middle School sa Charleston, West Virginia, ay umamin naman na nagpadala ng apat na nude photo sa pamamagitan ng Snapchat noong Agosto hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Noong 2014, nagwagi ito bilang Miss Kentucky matapos bumilib sa kanya ang mga hurado sa kanyang adbokasiya sa multiple sclerosis. Sa sumunod na taon, naging kalahok naman ito ng Miss America.

Nahaharap ito sa multang $100,000 at pagkakulong na aabot ng 20 taon. Pansamantala siyang lumaya nang magpiyansa ng $10,000.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More