Una sa Balita

Ex-Battalion sinugod ng mga fan sa Pasig

By
0 2,428

Natanggal lahat ng daga sa dibdib ni Ai-Ai delas Alas nang mapuno ang Ynares Sports Center sa Pasig City ng mga fan na dumagsa sa anniversary concert ng artist niyang Ex-Battalion.

Naka-post ang video sa kanyang Instagram ang ginawang pagsugod sa harapan ng stage ng mga tao para makita nang malapitan at makuhanan­ ng pictures ang rap group.

Ayon nga raw sa asawa niyang si Gerald Sibayan, para silang mga zombie nang makakita ng nagtakbuhan sa harapan nang makita ang Ex-B, huh!

“Ang daming tao ng EX B!!!! Wohoooo! TO GOD BE THE GLORY…Salamat po LORD sa blessing na ito!” saad ni Ai-Ai sa caption.

Bilang manager, hindi rin kasi naging kampante ang Comedy Queen na basta umupo na lang at umasa sa mga bibili ng ticket. 

Hindi man siya ang bida sa concert at guest lang, ginawa niya ang obligasyon niya bilang manager, tumulong sa publicity at promotions kaya naman, hindi naging­ sagabal ang ma­lakas na ulan para siguraduhin na success ang unang major concert ng Ex-Battalion!

Tom gustong maging animator sa Dreamworks

Ambisyon din ni Tom Rodriguez na maging animator. Isang animated short film ang kanyang tinatapos ngayon para maipakita niya sa mga idolong animator gaya ni Armand Serrano na animator sa Dreamworks at iba pang darating sa expo sa bansa ngayong October.

Gusto niyang maging pulido ang pagtatapos ng animated short film sa pagtatapos ng GMA series niyang ‘The Cure’ para maipakita niya ito sa mga foreign animator na pina-follow sa YouTube.

“I made sure na I bought the ticket already. Hindi ko pa siya name-meet ng personal kaya gusto ko by September may nabuo na akong short film to show them,” pahayag ni Tom sa press na bumisita sa taping ng series.

Hindi naman tatalikuran ni Tom ang career sa showbiz kung sakaling magustuhan ang animation niya.

“No, the good thing with this is, like especially nowadays you can literacy work from anywhere.

“’Yung dati nga ‘yung kunwari si Leinil Francis Yu ‘yung comic book artist na Filipino from Marvel, akala ko, growing­ up sa States, akala ko doon siya based sa States, at Pinoy.

“Nalaman ko lang nu’ng um-attend ako mga three years ago sa Asia Pop Comic Con nu’ng ma-meet ko siya finally, sinabi niya, hindi. Pini-Fedex nila nung 90s.

“So dati nu’ng hindi pa digital kung noon nga nagawa nila dati what more ngayon na isang email na lang?

“You can work from anywhere,” rason ng aktor.