Una sa Balita

Ex Battalion kinoronahan si Ai-Ai na Jeje Queen

By
0 2,144

Pinatotohanan ng mga miyembro ng Ex Battalion ang pahayag ni John Roa na nagkaroon ng problema ang nanay nito at ang head ng grupo nila. Tumiwalag si Roa sa Ex Battalion dahil gusto raw niya na makilala ng publiko ang kanyang mga musika.

Sinabi ni Roa sa contract signing nito sa Viva Artists­ Agency at Viva Records noong February 5 na walang kinalaman ang kanyang ina sa pag-alis niya sa Ex Battalion.

Nevertheless, ipinagtapat ni Roa na nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ang nanay niya at ang head ng grupo.

Isang member ng Ex Battalion ang nagsabi na mabait si Roa pero tinanggal ito sa grupo dahil di umano, gusto ng nanay ng singer na mas malaki ang share ng kanyang anak sa mga kinikita nila.

Hindi raw puwedeng mangyari ang gusto ng nanay ni Roa dahil pantay-pantay at walang lamangan ang mga miyembro sa hatian ng kanilang mga talent fee.

In all fairness to Roa, wala siyang masama na sinabi laban sa grupo at hindi rin siya siniraan ng mga dating kasamahan sa Ex Battalion.

Kahit tumiwalag na si Roa sa Ex Battalion at naka-focus sa promo ng kanyang original single, ang oks Lang, tumatanaw siya ng utang na loob sa mga miyembro ng rap group na itinuturing pa rin niya na mga kaibigan.

Meanwhile, lalong naging in demand ang Ex Battalion mula nang sumikat nang husto ang Hayaan Mo Sila. Hindi nawawalan ng mga television gues­ting at out of town shows ang Ex Battalion na may concert ngayong gabi sa Zirkoh Comedy Bar, Tomas Morato, kasama ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na binigyan nila ng alias na Jeje Queen.

Si Ai-Ai ang producer ng concert dahil bilib siya sa talent ng Ex Battalion at buo ang kanyang paniniwala na malayo pa ang mararating ng hottest rap group sa kasalukuyan.

Marion Aunor bubuhayin ng Viva

Matagal na nawala sa music scene si Marion Aunor dahil nag-lay low siya. Medyo nadagdagan din ang timbang ng anak ng former Apat Na Sikat member na si Lala Aunor dahil sa steroids na reseta ng doktor nang magkaroon siya ng sakit.

Tulad ni John Roa, contract star na rin si Marion ng Viva Artists Agency at ng Viva Records. May bagong sigla ang singing career ni Marion dahil sa magagandang plano ni Boss Vic del Rosario para sa singing career niya.

Ipinagkatiwala ni Boss Vic kay Marion ang theme song ng Ang Pambansang Third Wheel, ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko. Naging madali kay Marion na isulat ang theme song ng upcoming movie nina Yassi Pressman at Sam Milby dahil nagkaroon agad siya ng idea sa hugot song na gagawin kahit rushes lamang ng Ang Pambansang Third Wheel ang napanood niya.

By choice man ang desisyon niya noon na huwag maging active sa music industry, nag-compose si Marion ng mga kanta para sa album nina Alex Gonzaga, Jona, Kathryn Bernardo at Erik Santos sa Star Music.

Loren mahal ng LGBTQ community

Lalong mamahalin ng LGBTQ community si Senator Loren Legarda dahil sa mga opinyon nito tungkol sa same-sex relationship. Nang mapag-usapan ang isyu tungkol sa aktor na matagal nang pinaghihinalaan na gay, nagsalita si Senator Loren na walang masama sa pagiging gay dahil para sa kanya, pantay-pantay ang lahat.

Pero hindi updated si Senator Loren sa mga showbiz controversy dahil sa kanyang mga advocacy at sa dami ng mga trabaho niya sa senado. Nalaman lang ni Senator Loren ang mga current showbiz issue nang magkakuwentuhan sila ng mga kaibigan na entertainment writers sa kanyang post-birthday lunch kaya balak niya na i-Google ang mga na-miss na balita.

Last term na ni Senator Loren bilang senador kaya marami ang kumukumbinsi sa kanya na tanggapin ang alok bilang secretary ng DSWD. Hindi pa nagdedesisyon si Senator Loren dahil hindi pa tapos ang panunungkulan niya sa senado pero aktibo siya sa pagtulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng Buhay na Buhay, ang kanyang documentary series na mapapanood sa wikang Filipino, simula ngayon, February 17, 5:45 pm, sa GMA News TV, para higit na maunawaan ng ating mga kababayan ang programa.

Ipapakita sa Buhay na Buhay ang talakayan sa pagitan ni Senator Loren at ni NCCA Chairperson, Professor Felipe de Leon, Jr. tungkol sa Kultura ng Pagdidiwata, Kultura ng Pamamanata, Kultura ng Pamumuna at Pagtutol, Kultura ng Pagka-Pilipino at Pagkabansa, Kultura ng Pag-aaliw at marami pang iba.

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy