Una sa Balita

Ex-army nahulihan ng shabu

By
0 280

Arestado ang dating miyembro ng Philippine Army at kasulukuyang detachment commander ng isang security agency sa buy-bust operation sa Boracay kamakalawa.

Nakapiit na ngayon sa detention cell ng Boracay, Kalibo Police ang dinakip na suspek na si Alexis Garcera, 33, tubong Tapaz, Capiz at nakatira sa Brgy. Yapak, Boracay matapos makuhanan ng 14 na sachet ng shabu.

Napag-alaman na isang buwan ding isinailalim sa surveillance ang suspek bago isinagawa ang buy-bust operation kung saan isang poseur buyer muna ang bumili ng isang sachet ng shabu sa suspek kapalit ang P1,000 na marked money sa isang hotel kung saan naka-duty si Garcera.

Nang madakip ay nakakuha pa ng 13 sachets ng shabu sa possession at control ng suspek gayundin ang 9mm caliber pistol.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms ang suspek. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy