Una sa Balita

Ex-adviser ni Trump kinasuhan sa pagsisinungaling sa FBI

By
0 24

Naghain ng guilty plea ang dating top adviser ni US President Donald Trump na si Michael Flynn nitong Biyernes hinggil sa rekla­mong pagsisinungaling niya sa Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa ugnayan niya sa Russia.

Ang 58-anyos na si Flynn, isang retired 3-star Army general, ang pinakamataas na opisyal na kinasuhan ni special prosecutor Robert Mueller matapos ang masu­sing imbestigasyon sa ginawang pakikialam ng Russia sa US presidential elections noong nakaraang taon.

Inamin ni Flynn na nagkaroon sila ng lihim na miting kay Russian ambassador Sergey Kisiyak noong Disyembre 2016 dahil sa utos na rin umano ng mga matataas na opisyal ng transition team ni Trump.

Abante Hiring – IT dep

Usap-usapan naman ngayon sa White House kung sino ang susunod na miyembro ng ‘inner circle’ ni Trump ang kakasuhan ni Mueller.

Ngunit sa ulat ng Washington Post, susunod na kakasuhan ang manugang ni Trump na si Jared Kushner dahil isa umano ito sa nag-utos kay Flynn na makipagpulong sa Russian envoy.