Una sa Balita

Ex-actor ayaw pang pakawalan si indakerang girl

0 435

abante-anything-goes-jun-lalinMatagal-tagal na ring hiwalay si former actor at ang misis niyang aktres na magaling umin-dak. Naaprubahan na raw ang legal separation nila, pero hindi pa raw final ‘yon dahil ang dinig ko, kino-contest pa raw ‘yon ng dating aktor.

Bakit kaya? In love pa rin kaya ito kay aktres?
Well…
***

Yam todo bakasyon sa New York

Ang Noranian na si Albert Medina Sunga ang nakipag-negotiate sa Viva Artists Center para sa serbisyo ni Yam Concepcion sa katatapos lang na two-day event sa Secaucus, New Jersey, ang Fiesta in Ame-rica 2019, kaya tinanong ko siya kung umuwi na ba ng Philippines ang sexy actress?

“Hindi pa! Tuesday or Wednesday next week yata,” sey ni Albert.
Bago pa kasi palitan ni Yam si Erich Gonzales sa “Love Thy Woman” bilang ka-triangle nina Kim Chiu at Xian Lim ay naka-schedule na ang show na ‘yon sa New Jersey.

Ayos na rin daw ang tungkol sa extension doon ni Yam, kaya blocked-off na ‘yon at alam ng mga taga-“Love Thy Woman”.

So, next week pa ire-reshoot ni Yam ang mga eksenang nakunan na sa teleseryeng pagbibidahan din nina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Sunshine Cruz at Ruffa Gutierrez.

Beatles, Queen super bet ni Lorin

Noong Tuesday ay nagpaka-“stage mom” si Ruffa Gutierrez sa pictorial ng panganay niyang si Lorin Gutierrez. Sabi ni Ruffa, bigla raw ang decision nila na mag-pictorial para sa Sweet 16 birthday party ni Lorin on August 31.
“So we decided to do a birthday shoot for Lorin, care of Nice Print and the theme is Cochella meets Met Gala.

“Her Sweet 16 birthday party on August 31 is going to be a festival themed party kasi gusto ni Lorin ng casual, fun, we have a band that’s going to be playing The Beatles, Queens, Stevie Wonder, songs from the 60’s, 70’s, and 80’s.

“We want it to be casual and different from her debut once she turns 18,” sey ni Ruffa.

Siyanga pala, marami ang nagtatanong kung mag-aartista ba si Lorin, pero palaging sinasabi ng panganay ni Ruffa na hindi, pero feeling ko in the future ay sasabak din sa pelikula ang panganay ni Ruffa.

Naku, pagdating ng panahon na ‘yon ay siguradong patalbugan sina Ruffa at Annabelle Rama bilang “stage mother” at “stage lola” respectively. Hehehe!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy