Una sa Balita

Ex-ABC prexy sa narco-list, nilikida

By
0 5

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa ilegal na droga ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang dating pangulo ng Association of Barangay Captain (ABC) sa Aparri, Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kinumpirma ito ni Police Senior Supt. Warren Tolito, director ng Cagayan Police Provincial Office, na nasa drug watch list ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaslang na si Julio ‘Bong’ Disierto, 49.

Subalit sinabi ng opisyal na maaaring may nakaalitan o may galit kay Disierto dahil sa sangkot pa ito sa insidente ng pagpatay.

Ayon sa report, pasado alas-11:00 ng gabi nang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan na kapwa nakasuot ng bonnet at sunud-sunod na pinaulanan ng bala ang biktima habang ito ay nagpapahinga.

Mabilis na tumakas ang mga gunmen gamit ang isang pribadong sasakyan.

Narekober ng mga awtoridad sa bahay ng biktima ang apat na basyo ng M16 at isang basyo ng 9mm.