Una sa Balita

‘Evil eye’ ni Sue pinag-usapan sa Twitter

By
0 749

Ngayong 2019 ay nagpa-tattoo ang aktres na si Sue Ramirez ng mata sa bandang siko niya. Maganda ang pagkaka-tattoo sa aktres, may kulay na asul sa mata at mahabang pilikmata!

Agad nag-react naman ang ibang kapwa artista niya tulad nina Ella Cruz at Ruru Madrid.

“Bago na naman!!!” sigaw ni Ella na para bang namamangha sa tattoo ni Sue. “Soliddd!!” naman ang comment ni Ruru sa tattoo post ni Sue.
Siyempre pa, hindi mawawala riyan ang reaksyon ng mga fan! Aba, tinawag ang aktres na “illuminati member” dahil sa kanyang tattoo na mata, ang mata raw kasi ay sumisimbolo sa pagiging illuminati.

Pinagsabihan naman si Sue ng isang fan na dapat daw ay nagiging maingat na pumili ng ilalagay na tattoo sa katawan dahil perma­nente itong nasa katawan ng tao, hindi raw good choice ang mata na ipina-tattoo ng aktres.

Ipinagtanggol naman si Sue ng isang fan at ipinaliwanag ang ibig sabihin ng tattoo ng aktres.

“It’s the evil eye of Talisman which brings protection from negative energy and harm, it’s not related to being an illuminati or whatsoever.”

May ilan rin na nahikayat magpa-tattoo ng katulad kay Sue dahil maganda nga raw. Hanga sila sa tapang ng aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy