Una sa Balita

European coach papalit kay Yeng sa Gilas

0 1,055

KINUKUNSIDERA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kumuha ng isang European coach upang humawak sa Gilas Pilipinas kapalit ng nagbitiw na si Yeng Guaio.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na kinakailangan nila ang maagang pagdedesisyon para humanap ng bagong national coach matapos ang nakakadismayang kampanya sA FIBA Basketball World Cup 2019.

Matatandaan na agad nagbitiw si Guiao ilang araw matapos magbalik sa bansa na walang naitalang panalo sa limang laro sa prestihiyosong torneo.

“We have to move quickly. I don’t know if there’s a timetable. It might be a local coach, it might be a foreign coach,” sabi ni Panlilio matapos ang isinagawang press conference sa Ninoy Aquino International Airport kasama si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan pagdating mula China.

Sinabi ni Panlilio na lumutang ang opsiyon na kumuha ng isang European coach matapos ang pakikipagpulong kay Guiao.

Isa din sa suhestiyon ni Guiao ang regular na pagsasanay sa Europe sa paghahanda para sa iba’t ibang sasalihan nitong mga international competition.

“That’s part of the assessment. The suggestion given by coach Yeng is that if we should adopt with that style of basketball, then we do need a European coach or at least somebody who knows European basketball,” sabi pa ni Panlilio. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy