Una sa Balita

Europe basketball o UAAP: Kai malapit nang magdesisyon

SA’N KA PUPUNTA?

By ,
0 615

NGAYONG tapos na sa high school si Kai Sotto, nagsisimula nang paghandaan ng 7-foot-2 prodigy ang susunod na hakbang sa kanyang basketball career.

Sa press conference ng Chooks-to-Go NBTC National Finals Lunes, Marso 11, sinabi ng Juniors Most Valuable Player (MVP) ng UAAP Season 81 na hindi niya binabalewala ang mga offer sa kanya pero kailangan muna niyang pag-isipan ang magiging pasya.

“Siyempre wine-welcome ko naman ‘yung mga offer nila para sa akin, hindi ko naman binabalewala kasi alam ko naman na para sa akin din yun, makakatulong din ‘yun sa akin,” sabi nito. “And siyempre pag-iisipan muna namin ng mabuti kung ano’ng magiging desisyon namin bago kami mag-decide.”

Naging matunog ang pangalan ni Kai sa basketball community matapos ang stint nito sa FIBA U-17 World Cup noong nakaraang taon sa Argentina at mula dito ay ilang Euro club na ang nanliligaw para kunin siya.

Inamin din ni Sotto na nakabisita na siya sa mga lugar ng ilang teams na sumusubok kunin siya para maglaro partikular na ang mga club ng Real Madrid mula Espanya at Alba Berlin mula Germany.

“’Yung development ko as a player kasi pwede naman akong hindi pumili ng club, magte-train lang ako sa kanila ganun,” sabi nito nang matanong kung ano ang magiging batayan nito sa pagpili.

“And, ang importante lang naman sa akin is mag-improve ako, magpagaling, magpalakas pa lalo dahil ‘yung goal ko naman talaga is mag-NBA. Gagawin ko ang lahat para makapasa ako doon.”

Sasabak si Sotto at ang kanyang koponang Ateneo Blue Eaglets sa NBTC National Finals na didribol sa Marso 18 hanggang 24.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy