Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eumir solid kay EJ

0 229

BUONG suporta ang inihandog ni 2020+1 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial para sa kanyang kapwa Olympian na si EJ Obiena.

Inihayag nitong Martes ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) ang kanilang rekomendasyon na ilaglag sa national training pool si Obiena at maghain ng criminal charges na estafa laban sa 26-year-old pole vaulter.

Nitong Miyerkoles, nagpaabot ng suporta si Marcial via social media para kay Obiena.

“Masakit ito para sa kapwa atleta. Hindi pa lamang nag sisimula ang Tokyo Olympics ipinakita na ni EJ ang kanyang suporta sa akin na kahit alam ko na mayroon din siyang problema. Ngayon ako naman ang susuporta sa ‘yo,” litanya ni Marcial.

“With the current issue surrounding my fellow Tokyo 2020 Olympian EJ Obiena – Ernest Obiena, I feel that it is only right as a fellow athlete and Olympian that I express my support and collectively ask to show our solidarity with EJ.”

Ayon kay Eumir, ang desisyon ng Patafa sa pagtanggal kay Obiena sa national training pool ay “some sort of an invalidation of the efforts and sacrifices that EJ has made to bring honor to our country, something that every athlete can strongly relate to. This unfortunate situation has affected his focus in his training costing him so much of his time, energy, and resources instead of pouring all his attention to his preparations for his upcoming season and tournaments.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.