Una sa Balita

EULA, WALANG KONTRATA SA GMA!

By
0 158
Eula at Joross

Ikinagulat ng fans ng Encantadia ang balita na kasali si Eula Valdez sa cast ng bagong drama series ng ABS-CBN dahil napapanood pa ang aktres sa primetime telefantasya ng GMA 7.

Reportedly, walang network contract si Eula sa Kapuso Network kaya tinanggap niya ang alok na project ng ABS-CBN. Siniguro umano ni Eula na hindi magkakaroon ng conflict sa Encantadia ang drama series na gagawin niya sa Kapamilya Network.

Hindi lamang si Eula ang Encantadia mainstay na mapapanood sa programa ng ABS-CBN dahil may offer kay Joross Gamboa na project, ang La Luna Sangre, ang upcoming fantaserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ipinapaubaya ni Joross sa kanyang manager na si Noel Ferrer ang desisyon pero malaki ang tsansa na tapos na ang Encantadia bago pa maipalabas sa telebisyon ang La Luna Sangre.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More