Una sa Balita

Eugene ‘nasagasaan’ nina Regine, Ai-Ai, Lani

0 1,319

abante-anything-goes-jun-lalinMaganda ang feedback sa The Clash, ang bagong singing competition show ng GMA 7 na hinu-host ni Regine Velasquez-Alcasid, kaya marami ang duda na hindi hanggang September lang ito aabutin.

Ngayon pa lang ay nangangamoy na ito ng extension. Hindi kaya ang mangyari ay pagkatapos ng first season nila ay may second season na sila kaagad?

Mukhang game naman ang mga judge na sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha kung ma-extend man ang The Clash.

Pero paano na ang Celebrity Bluff ni Eugene Domingo na ang press release noong una ay season break lang dahil papasok nga noon ang The Clash?

Mabalik pa kaya ang nasabing game show ni Eugene?

Well…

Bading na showbiz personality binasura ni basketbolista

Hindi na ako nagtataka kung bakit dedma na talaga ang isang kila­lang basketball player sa isang kilalang gay showbiz personality na balitang naging sponsor niya noong nasa collegiate level pa siya.

Eh, sa mismong best friend ni basketball pla­yer kasi ay dedma na rin siya.

Noong wala pa namang kadatungan si basketball player, sobrang close sila ng best friend na ‘yon at halos araw-araw silang magkasama at kumbaga lahat ng ‘skeletons in the closet’ ni basketball player ay alam na alam ng taong ‘yon, pero ngayon pala, dedma na siya sa kanyang best friend.

Nang makatsikahan ko nga ang taong ‘yon, sinabi nito sa akin na ganoon talaga ang buhay, kapag nagkakaroon talaga ng maraming pera ay nakakalimot ang ibang mga tao.

So, si kilalang gay showbiz personality ay hindi na dapat pang magtaka kung bakit kahit halos may sumpaan sila noon ni basketball player na hindi magkakalimutan ay tuluyan na rin siyang kinalimutan ni basketball player na napakatagal din niyang ginastusan, ‘noh?!

Janine hindi mai-in love kay Alden

Aminado si Janine Gutierrez na type ng nanay niyang si Lotlot de Leon ang rumored-boyfriend niyang si Rayver Cruz. I’m sure, kapag ikakasal na si Lotlot (engaged na siya) ay invited doon si Rayver!

Actually, palagi ngang nakakasama ni Janine at ng kanyang pamilya si Rayver.

Kahit naman ang tatay ni Janine, si Ramon Christopher, nakakasama rin ni Rayver at mukhang okey rin dito ang sinasabing boyfriend ng anak.

Samantala, marami ang pumupuri kay Janine sa bago niyang show sa GMA 7, ang Victor Magtanggol.

Bagay raw talaga si Janine sa role niya sa series na ‘yon ni Alden Richards, kaya dapat lang daw na tigilan na ng ibang mga basher ang dalaga!

Saka kahit naman magkapareha ang dalawa sa Victor Magtanggol ay imposible namang ma-link sila dahil obvious namang in love si Janine kay Rayver, ‘noh?

Martin matagal mawawala sa Pilipinas

Umalis na noong Monday pa-San Francisco, California si Martin Nievera. Dapat ay noong Sunday pa siya nakaalis, pero cancelled daw ang flight.

May TFC (The Filipino Channel) event sa Bay Area si Martin for two weekends at me­ron din siya sa Canada, kaya matagal-tagal din siyang mawawala sa Pilipinas.

Excited si Martin dahil makaka-bonding na naman niya ang bunso niyang si Santino.

After ng event niya ngayong weekend sa Bay Area, pupuntahan muna niya sa Las Vegas, Nevada si Santino at saka na lang uli siya ba­balik doon para sa se­cond event ng TFC.

Wala namang problema sa show ni Martin na LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show niya sa ANC dahil nakapag-advance taping na siya.