Una sa Balita

EU inisnab ni Digong

By
0 2,111
TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon sa kanya ng European Council para ­bumiyahe sa Brazil.
 
Sinabi kahapon ng Pangulo na mismong si Do­nald Tusk, presidente ng European Council, ang nag-imbita sa kanya pero wala siyang balak na pumunta.
 
Matatandaang naging mainit ang dugo ng ­Pa­ngulo sa European Union dahil sa pakikialam sa panloob na usapin ng bansa at pagsawsaw sa isyu ng human rights kaugnay sa kanyang inilunsad na giyera kontra droga.
 
Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw na ayaw ­niyang bumiyahe hangga’t maaari bukod pa sa minamaliit ang kanyang kakayahan bilang ­Presidente ng Pilipinas.
 
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya katulad ng ibang presidente na puwedeng pagalitan o kastiguhin dahil hindi sila ang mga amo niya.