Una sa Balita

Ethiopia viral sa Google dahil kina Billy, Coleen

Jessy tinira sa pagsawsaw

By
0 2,085

Very cool lang na tinanggap ni Billy Crawford ang mga puna at pagkukumpara ng mga damit at tela na ginamit nila ni Coleen Garcia sa kanilang controversial Ethiopia photoshoot.

Nagbigay na rin sila ng paliwanag at humingi ng paumanhin sa isyu ng racism at discrimination kaya’t tuloy-tuloy na ngayon ang mga plano sa kasal nila, mereseng madam­i ang tila naiinggit pa rin at gusto silang saktan.

Basta, bukod sa nagawa at nasunod nila ang mga bagay-bagay sa plano ng kasal, happy ang dalawa ayon sa aming kausap matapos pumutok ang kontrobersiya.

At ang mas bongga pa nito, may posibilidad pa palang magkaroon ng additional raket ang couple dahil sa ginawa nila for the airline na may advocacy na i-promote ang Ethiopia sa mundo via tourism.

“At hindi sila basta pinalipad dun at inilibre sa eroplano at hotel noh, kahit papano, may naisubi (natanggap) silang pakimkim, plus well-connected na sila sa airline company kaya’t mamatay sa inggit ang mga basher!” hirit pa ng kausap namin.

Hindi naman din pakikisawsaw ang ginawang pag-post ni Regine Velasquez ng photo habang yakap-yakap ang isang unan at may caption na nami-miss niya si Billy.

Just like the netizens who posted similar color, design and fabric na gaya nung mga isinuot ni Billy, meron din palang ganun ang Asia’s songbird.

Nakakaloka na talaga ang inabot ng isyung photoshoot na ito na pati ‘yung mga kaibigan namin ay pilit na naghahanap ng mga same designs sa kanilang sofa, bags, curtains at mga beddings. Hahahaha!

Although super nega naman ang inabot ni Jessy Mendiola dahil nakapagkomento rin ito sa isyu. Big­lang nagkaroon daw uli ng career si Jessy dahil napag-uusapan ang name nito. Na kesyo ito ang sawsa­werang wala sa lugar at hindi nakakatuwa unlike Regine, etc etc.

Now, tell us, hindi ba at bonggang-bonggang promo nga ang nalikha nina Billy at Coleen na pati bansang Ethiopia ay na­ging viral sa Google site. hahahaha!