Una sa Balita

Ethel, Rufa MAe ‘nag-away’ sa twitter

By
0 1,638

Umabot din kaya sa demanda­han ang ‘away’ nina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto? Magkaroon kaya ng sampalan, o palakihan ng boobs, kapag nagharap sila?

Anyway, nag-ala-Darren Espanto at JK Labajo nga sina Ethel Booba at Rufa Mae ngayon. Si Ethel si Darren, at si JK si Rufa Mae.

Sa Twitter account ni Ethel, makikita mo ang tweet niya na ‘screen grabbed’ daw ng tweet naman ni Rufa Mae.
Ang mensahe raw ni Rufa Mae, ‘Retoke at its finest’, na kopya nga sa ‘gayness as it finest’ daw ni JK kay Darren.
At chika ni Ethel:

“Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong RETOKADA. @imrufamaequinto Charot!” tweet ni Ethel, na kopya rin sa tweet ni Darren, di ba?

At dahil doon, sunod-sunod na ang komento, na halos mahigit isang libo na, at mahigit 50K na ang likes, at libo-libo na rin ang retweets.

Heto nga ang komento ng mga follower nila:
@Whuafael “Rufa Mae and Ethel are super friends. Queen Ethel was just throwing shades about that Darren-JK feud. HAHAHAHA.”

@Bbyson2 “Alam nyo kayo? da­lawang baliw kayo! Binabaliw nyo kami araw araw!!! Mabuhay ang mga retokada!!!!! Hahahahah.”

@LeeVGM “Hahahaha. Idol ko talaga sa sense of humor tong si ethel booba. Ethel for president!”
@BesOfAllMedia “Bwahahahahahaha ! Demandahan na @IamEthylGabison @imrufamaequinto !!!! Grabe din ang awayan nyo! #WeCareForTheBoobas #BoobaVsBooba.”

Pero, ang kaloka lang, parang may ibang naniniwala sa ‘away’ na ito nina Ethel at Rufa Mae, ha! Hindi sila aware na kopya, parody ito sa ‘away’ nina Darren at JK.

@RM_fannie “Don’t use RETOKADA as a derogatory word! Grrr. At least “retoke at its finest” hindi “retoke gone horribly wrong”! Ang inggit hindi nakakaganda Ms. Quinto.”

Na agad namang nilinaw ng ibang netizen na ‘paeklat’ nga lang ‘yon nina Ethel at Rufa Mae.
@ParaNermal “Ay sorry naman. I don’t know which ones are friends and which ones aren’t. Pasensya na. Thanks.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy