Una sa Balita

Ethel Booba tatakbong Senador sa 2022

0 516

Makulit, pero seryoso pagdating sa mga social issue ang komedyante na si Ethel Booba. Lagi talaga siyang may sey tungkol sa mga nangyayari sa kapaligiran, mapa-showbiz man o politika, which is laging bumebenta sa mga netizen. Marami silang nakaka-relate sa mga sentimyento ng komedyante.

Kailan lamang ay lumahok ito sa “Tawag Ng Tanghalan” Celebrity Edition kung saan siya ang nagkampeon. Kaya naman this time, siya ang naimbitahan sa hot seat ni Tito Boy sa programa nitong “Tonight With Boy Abunda (TWBA)”.

Matapang na may halong kulit na sinagot ni Ethel ang lahat ng mga tanong ni Tito Boy. Sa “Truth or Charot” portion, tinanong ni Tito Boy kung tatakbo ba itong senador sa 2022, mabilis na sumagot si Ethel ng “Truth!” sabay tawa nang malakas with matching palakpak pa na tila kabaliktaran ang sagot, pero humirit pa at sinabing, “paano kung truth? sige nga, abangan niyo ha!”

Sunod namang tinanong ni Tito Boy kung may katotohanan bang binabayaran siya ng mga politician para kumuda sa social media at siraan ang ilang mga personalidad at politiko. Agad ding sumagot si Ethel na “Charot lang ‘yan” with serious tone.

Nagtanong din si Tito Boy kung mas guwapo ba si Atong Ang kaysa kay Gerald Anderson dahil may tweet hanash nga siya about it. “Truth” din agad ang sagot ng komedyante.

“Syempre mapera eh, pagka marami ka talagang pera, talagang gumaguwapo ka talaga nang bonggang bongga,” esplika ni Ethel with matching halakhak pa ulit.

Well, marami pang ibang pasabog si Ethel. Pero, magandang hintayin nga natin kung tototohanin niya ang pagpasok sa politika. Malay natin, mahikayat talaga siya. Sabi nga niya, “Paano kung truth?” (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy