Una sa Balita

Ethel Booba takot sa sapak nina Gretchen, Marjorie

0 692

Normal na sa pagkakaibigan nina Vice Ganda at Ethel Booba ang magbatuhan ng random na katatawanan. Kaya naman nu’ng muling tumapak sa entablado ng “Tawag Ng Tanghalan” si Ethel, hindi nila napigilang ma-bring up ang mga isyung nangunguna sa social media ngayon.

Nabanggit ni Vice ang kasalukuyang biggest isyu sa showbiz which is ang pag-aaway sa pagitan ng mga Barretto, at pabirong tinanong ni Vice kay Ethel kung ano ang sasabihin nito kung sakaling makausap niya sa personal ang magkapatid na Marjorie at Gretchen.

“Si Duterte nga hindi napigilan, ako pa kaya? Baka sapakin ako! ‘Ano ba pakialam mo dito?’ Ako pa? Pangkaraniwang tao lang ako. Presidente nga hindi naawat!” deretsahan pero pabirong sagot naman ni Ethel.

Tinutukoy ni Ethel ay ‘yung nangyaring pagbabangayan ng magkakapatid na Barretto sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Oktubre lang habang nasa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

“Sino mataas? Quiboloy?” another hirit pa ni Ethel.

Si Pastor Apollo Quiboloy naman ang head ng Kingdom of Jesus Christ group na siyang mainit na pinag-usapan dahil sa sinabi nitong pinahinto niya ang tatlong sunod-sunod na lindol sa Mindanao bago matapos ang Oktubre.

Matatandaan ding naging puntirya ni Vice Ganda si Quiboloy dahil nga sa naging “stop earthquake” issue nito.

Sumagot na rin ang kaibigan ni Pastor Quiboloy habang gigil na gigil sa programang “Usapang Bayan” ng SMNI network nitong Miyerkoles lang. Sa ngayon, inaabangan ng lahat kung ano kaya ang magiging tugon dito ni Vice at ng buong “Showtime” team. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy