Una sa Balita

Ethel Booba inokray si Cayetano: ‘Mas busy ka kay Kobe, kaysa COVID’

0 1,208

Pagkatapos barahin si Mocha Uson dahil sa pangmemenos o pagtira nito kay Pasig Mayor Vico Sotto, si House Speaker Alan Peter Cayetano naman ang pinatikim ng hagupit ng komedyanteng si Ethel Booba.

Hindi natuwa o na-impress si Ethel sa paandar ni House Speaker Cayetano sa Kamara nitong Martes.

Hayun nga at inokray ng komedyana si Cayetano sa photo op nitong Marso 24 sa isinagawang special session kung saan may hawak ang kongresista kasama si Executive Sec. Salvador Medialdea ng manila paper na may nakasulat na…

“Together with doctors and frontliners, we went to work for you, so please stay home for us!”

Tweet ni Ethel, “Chusera eh busy ka nga kay Kobe kesa sa Covid. Charot!”

Well, magugunita na marami ang kumuwestiyon sa paglulunsad sa Kamara ng exhibit para sa pumanaw na NBA legend na si Kobe Bryant na hindi naman aniya Pilipino o pambansang bayani.

@gilbertus66: “Nangyari? Kumita na naman. Anumang gastos ng kamara, malamang may kickback. Kaya inuna exhibit ni kobe kesa sa mga isyu ng bayan… At dahil dito, pumuntos ang bunGo laban kay Kawatano.”

“Pilipino ba si Kobe? Pambansang bayani? Congressman? Bakit may exhibit sa Congress? Shit what a waste of taxpayers time and money,” giit ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More