Una sa Balita

Ethel Booba ganap nang mudra

0 415

Kaliwa’t kanang mga tsokolate, lobo at bulaklak ang natatanggap ng karamihan ng mga tao sa Valentine’s, pero mukhang wala nang mas bobongga pa sa natanggap ng komedyante na si Ethel Booba sa Araw ng mga Puso dahil ipinanganak niya na ang kanyang first baby!

Sa sobrang tuwa ng komedyante, agad niya itong ibinalita sa publiko at ipinakita nga ang picture ng legs ng kanyang baby.

Naku! Napakagandang regalo nga para sa araw ng puso.

“Welcome to this world Little Booba. Charot!” tweet ni Ethel.

Syempre pa, agad ding bumuhos ang “Congratulations” message para sa komedyante.

Sa Instagram story naman ng kapatid ni Ethel na si Boobita, binanggit niya ang pangalan ng baby ng ate niya sa sobrang tuwa.

“Welcome to the world my pamangkin MICHAELA, mukhang mana ka sakin tabaching-ching legs. Congrats teh @ethelbooba isa ka ng ganap na mudra,” sey naman ni Boobita. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More