Una sa Balita

Ethel Booba 6-buwan buntis

0 536

Bumubuhos ang suwerte ngayon kay sexy comedienne Ethel Booba. Matapos niyang mag-kampeon sa “Tawag ng Tanghalan” Celebrity Edition, isang magandang balita ang inanunsyo niya sa “It’s Showtime” nitong Biyernes.

“Ano ba ‘yan, naiiyak ako. I’m happy for the gift of life… Double celebration. Double congratulations to me,” ani Ethel matapos niyang kumanta.

“Oo siyempre ito na nga. Six months,” aniya pa. “Kaya nahihirapan akong kumanta, parang lalabas ang bahay-bata ko… Pasensya na, hindi ako makabuga, ang sakit talaga ng puson ko,” paliwanag ni Ethel.

“Congratulations! We are so happy for you,” masayang pagbati naman ni Vice Ganda.

Si Jessie Salazar ang ama ng dinadala ni Ethel, na kamakailan ay inamin niyang masaya ang kanyang buhay pag-ibig dito sa “TWBA” guesting niya. Willing na diumano siyang mag-settle down para sa dyowa niya.

Maraming netizens naman ang natuwa sa pagdadalantao ni Ethel.

@jhei_are: “Congratulations (Ethel) @IamEthylGabison on getting pregnant, may your new baby bring you abundant happiness.”

@johnphilip_izon: “Hala may matres pala si @IamEthylGabison? Sanaol! Charot! Congratulations Mama! We are so happy for you.”

@sarahgporeber: “Congrats Ethel. Lakas maka Anne Curtis ng announcement kanina, di tuloy namin alam kung charot charot lang o totoo e. Haha! Anyways Congrats! Yiee!” (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy