Una sa Balita

Estudyanteng tulak ng ‘kush’ nalambat

By
0 111

ARESTADO sa ikinasang­ buy-bust operation ang kilalang tulak ng high grade marijuana matapos­ malambat kamakalawa nang gabi sa Brgy. Parang, Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Daniel Soria, 23-anyos, college student at residente ng Marikina City.

Ayon kay station drug enforcement unit chief, P/Insp. Greco Gonzales, naganap ang buy-bust bandang alas-8:55 kamakalawa nang gabi sa Paraiso St., Brgy. Parang, matapos maki­pagtransaksyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa suspek matapos magpositibo na ang estu­dyante mismo ang nagbebenta ng high grade marijuana o ‘kush’.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang ziplock plastic transpa­rent sachet, isang silver­ open plastic pack, isang small plastic container na naglalaman ng mga hinihinalang pinatuyong­ dahon ng marijuana, P500.00 na ginamit bilang buy-bust money at isang improvised tube pipe na ginagamit sa marijuana.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Sec. 11 at Sec. 12 ng RA 9165 o illegal drugs act.