Una sa Balita

Estudyanteng Pinoy sa US wagi sa engineering design competition

0 362

NASUNGKIT ng isang 18-anyos na estudyanteng Pinoy ang grand prize sa engineering design competition sa United States dahil sa kanyang air quality sensor na tinatawag na Respiratory Local Air Quality Sensor (Re-LAQS).

Pinangunahan din ni Carl Vincent Camilon Cuyos ng Oxnard High School (OHS)-University of California Sta. Barbara ang over-all winner sa 2019 State Championship in Mathematics, Engineering and Science Achievement National Engineering Design Challenge (MESA-NEDC).

Naganap ang kompetisyon sa University of California, Los Angeles (UCLA) na kung saan siyam na kalahok pa mula sa UCLA, San Jose State University, California State East Bay, California State University Fresno, UC Irvine, UC Riverside, UC Davis, San Diego State University, at Imperial Valley College ang nagpakita rin ng kanilang galing.

Si Cuyos ang nasa likod ng winning entry ng kanyang team habang ang mga teammates na sina Sara Centeno ang naka-assign sa research, Jenna Huynh sa business, David Pulido na nagtrabaho bilang programmer at teacher Nicholas Peterson bilang kanilang adviser.

Ang Re-LAQS ay isang sensor built na nagbibigay ng impormasyon at kaalaman sa publiko na siyang nagsasabi ng air quality changes na nakasasama sa katawan, lalo na kapag nagkaroon ng wildfire.

Halimbawa nito ay ang naganap na California wildfire noong 2018 kung saan maraming residente ang naapektuhan at napasama pa sa kanilang kondisyon ang nalanghap na usok na kung saan ay nagkaroon pa sila ng upper respiratory tract infection tulad ng asthma.

Layunin ng Re-LAQs innovation na maproteksyunan ng 91 porsiyento ang populasyon partikular na sa mga nakatira sa polluted area na una nang tinukoy ng World Health Organization. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy