Una sa Balita

Estudyante ‘wag gatasan sa entrance exams — Koko

By
0 1,653

HINIKAYAT ni Senate Pre­sident Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang mga College at University administrator na ibaba ang entrance examination fee bilang tulong sa mga magulang.

“It is understandable for these kids to want to have options when it comes to college, and na­turally their parents want to give them the opportunities. But if applying at one school requires a 500-peso fee, then applying to four, five schools can be quite expensive,” saad ni Pimentel.

Sa impormasyon ng senador, maging ang mga state universities tulad ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay naniningil ng halos kapareho sa mga private university.

Sa tala, nasa 80,000 students nag-a-apply kada taon sa UP habang nasa 60,000 sa PUP.

“Even assuming these schools only charge half of the applicants the full rate, this means that, conservatively, UP and PUP earn something like 20 million pesos and 15 million pesos, respectively, on entrance fees each year. Does it really cost that much to administer these exams?” giit ni Pimentel.

Iginiit ni Pimentel na dapat ding magkaroon ng ‘standardized test’ para sa mga K-12 graduate na tanggap sa lahat ng tertiary education institutions.