Una sa Balita

Estudyante sa Laguna, patay sa frat war?

By
0 6

Nakatutok sa anggulong frat war ang Calamba City Police sa naganap na pamamaril sa isang estudyante sa Calamba City kamakalawa.

Sinabi ni Calamba City Chief of Police S/Supt. Fernando Ortega na dito sume­sentro ang kanilang imbestigasyon matapos lumitaw sa imbestigasyon ang pangalan ng dalawang fraternity organization sa lungsod.

Bandang alas-4:30 ng hapon ng barilin ng hindi nakilalang suspek ang 20-taong gulang na estud­yanteng si Eric Alvarez Alarcon sa Ipil-Ipil St., Bgy. Halang, Calamba City na ayon sa pinakahuling report ay binawian na ng buhay.

Abante Hiring – IT dep

Naglakad lang umano palayo ang suspek na nakasuot ng bullcap matapos ang pamamaril.