Una sa Balita

Estudyante nilamon ng alon

0 275

KAMATAYAN ang kinahantungan ng dapat sana’y masayang ou­ting nang malunod ang 20-anyos na estudyante na tinangay ng ma­lakas na alon sa Tanza, Cavite.

Dakong alas-7:30 kahapon nang umaga nang natagpuan ang bangkay ng biktima na si Jhon Leo Velasco ng Barangay Inocencio Regina Ville 2000, Trece Martires City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Bernard Peligro ng Tanza Municipal Police Station, nagkayayaan ang biktima at mga kaibigan nito na mag-outing sa La Playa Beach Resort sa Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite.

Dakong alas-7:50 kamakalawa nang umaga nang naisipan ng biktima at barkada nito na maligo sa dagat sa nasabing resort nang tangayin sila ng malakas na alon hanggang sa hindi na nakita ang katawan ni Velasco.

Nagsagawa naman ng search ang rescue operation para ma­hanap si Velasco hanggang sa napaulat na natagpuan ang bangkay nito na lumutang sa karagatang sakop ng Starfish Resort sa Brgy. Amaya 1, dakong alas-siyete kahapon nang umaga.

“Apat silang lumalangoy doon sa lugar pero mabilis na tina­ngay ang biktima at hindi rin nasagip lahat ng lifeguard.” ayon kay Peligro. (Gene
Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy