Una sa Balita

Estudyante ni-rape ng manliligaw

By
0 346

ARESTADO ang isang 21-anyos na construction worker matapos nitong halayin ang 14-an­yos na estudyanteng kanyang nililigawan sa Barangay Old Balara sa Quezon City.

Ang suspek na binugbog ng mga kapitbahay ng biktima at aminado din sa kanyang ginawa ay nakilalang si Jag Loyd Sasutil.

Ayon sa ina ng biktima, ilang oras na nawala ang kanyang anak matapos na utusan niya na hanapin ang 4 pang kapatid.
“Inutusan ko siya na hanapin ‘yung mga ka­patid niya dahil kakain na kami pero ilang oras na ay wala pa, may pumunta sa amin na nagmalakasit at sinabi na nakita ‘yung anak ko sa tabing ilog at niyaya ng lalaki,” ayon sa ina ng biktima na itinago sa pangalang Gemma.

Hindi umano sa tabing ilog nakita ang biktima kundi sa isang sagingan na nakahubad kasama ang suspek at nang makita ito ng mga kapitbahay ay pinagtulungang bugbugin ang suspek.

Kuwento ng biktima na tinakot umano siya ng suspek, sinabihan umano ito na saglit lamang ang kanilang gagawin.

Sa presinto inamin ni Sasutil ang kanyang nagawa. Aniya, hindi niya inakalang magagawa niya ito sa nililigawang biktima subalit nanindigan ito na hindi niya ito pinilit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy