Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Estudyante ng Pisay wagi sa COVID essay contest

0 82

GRAND Prize winner ang nasungkit ng isang Grade 12 sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) sa ginanap na Southeast Asian Ministers of Education Organization Tropical Medicine and Public Health (SEAMEO TROPMED) Network 55th Founding Anniversary Essay Contest.

Naibulsa ni Altair Emboltura ang premyo matapos pataubin ang 210 entries ng Senior High School Category mula sa `member-country’ ng SEAMEO TROPMED, ayon sa PSHS kahapon.

Si Emboltura ay nanalo sa kanyang essay na pinamagatang “A thief, A Tyrant, A Teacher” ng kanilang school paper na “Banaag”, na tumutukoy kung paano ang COVID-19 pandemic ay lubhang nakaapekto sa buhay ng bawat Pilipino.

“This year’s theme of the SEAMEO TROPMED essay writing contest is “What COVID-19 means to me”. It focused on the integration and inter-relation between Sustainable Development Goal (SDG) # 3 “Good Health and Well-being” and SDG # 4 “Quality Education,” ayon sa pahayag ng PSHS.

Ibinahagi ni Emboltura ang kahalagahan ng mga kabataan sa ating bansa para malabanan ang COVID-19 pandemic. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.