Una sa Balita

Estudyante natuhog ng bakal sa leeg, dedo

0 428

BINAWIAN ng buhay ang grade 9 student sa Pozorrubio, Pangasinan nang aksidenteng matusok ng bakal ang kanyang leeg habang naglalaro ng basketball noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Imbat, 15-anyos.

Ayon sa ulat ng Pozorrubio Police, nagla­laro ng basketball ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang habulin nito ang tumalbog na bola malapit sa nakaparadang kuliglig at dito nawalan siya ng balanse.

Dahil dito, tumama ang kanyang leeg sa nakausling iron bar na may habang tatlong pulgada na tumusok sa kanyang leeg at tumagos sa utak.

Agad na sinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito uma­bot nang buhay. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy