Estudyante nalunod sa falls

By

Patay ang isang ­estudyante makaraang ito ay malunod sa falls sa Real, Quezon kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Real Police ang biktima na si Sherwin Libradilla, 19-anyos, residente ng San Isidro, Cabuyao, Laguna.

Ayon sa ina ng ­biktima na si Tessie, nagtungo ­sila ng kanyang pamilya sa Tipuan Falls na nasa ­Purok Uno, Brgy. Llavac, Real, Quezon.

Nag-aayos na umano siya ng kanilang pagkain habang ang kanyang mga kasama ay naglalakad sa paligid ng falls.

Nagulat na lang ­umano siya ng may ­sumigaw na nalulunod na ang ­kanyang anak.

Sinubukan nilang sagipin ang biktima subalit tuluyan na itong lumubog sa malalim na bahagi ng ilog.

Makaraan ang isang oras, nakuha ang katawan ng biktima at agarang isinugod sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.


SHARE