Una sa Balita

Estudyante na papasok sa school ginahasa sa tricycle

0 690

ARESTADO ang isang 25-anyos na tricycle driver matapos gahasain ang isang 13-anyos na babaeng estudyante na kanyang pasahero na papasok na sana sa paaralan sa Dagupan, Pangasinan.

Ayon sa Dagupan City Police Station (DCPS), hindi muna kinilala ang suspek dahil sa ginagawang follow-up investigation
Samantala, ang biktima na nakilalang si ‘Leah’ (hindi tunay na pangalan) ay tubong Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa DCPS, sumakay umano ng tricycle ang biktima para pumasok sa kanyang paaralan ngunit iniba ng suspek ang ruta at dinala ito sa isang fishpond at doon mismo ginahasa ang biktima sa loob ng tricycle.

Sinabi ng mga awtoridad, matapos gahasain ay iniwan na lamang ang biktima sa Lucao District, Dagupan City.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa DCPS jail matapos sampahan ng kasong rape. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More