Una sa Balita

Estudyante kritikal sa pamamaril sa Calamba City

By
0 13

Kritikal ang isang 20-anyos na estudyante makaraang pagbabarlin ito ng ‘di nakilalang suspek sa Barangay Uno, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba Police, ang biktima na si Ridge Allan, 2nd year HRM student ng STI Calamba College, at residente ng Sta. Rosa City.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba police, dakong alas-7:50 ng gabi, katatawid lang ng biktima sa kalsada kasama ng kanyang mga kaklase nang pagdating sa kabilang side ay binaril ito ng suspek.

Abante Hiring – IT dep

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril na sumakay sa isang naghihintay na motorsiklo.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

Motibong love triangle at alitan sa part time job nito bilang receptionist sa isang Language School ang tinitingnan motibo ng pulisya sa krimen.