Una sa Balita

Estudyante huli sa tsongki

0 148

KALABOSO ang isang college na estudyante na babae matapos mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng istasiyon ng bus sa Tuguega­rao City noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Marilyn (hindi tunay na pangalan), 3rd-year college na estudyante sa isang pribadong unibersidad na nasabing lungsod, at resi­dente ng Gamu, Isabela.

Ayon sa Tuguegarao City Police Station (TCPS), pauwi umano ang suspek nang maiwan niya ang kanyang bag sa harap ng ticket booth sa isang bus terminal.

Dito, ininspeksyon ng security guard na si Robert Vista ang bag ng suspek at nakita ang isang nakabalot sa papel ng pinatuyung dahon ng marijuana na agad namang niyang ipinagbigay alam sa kapulisan.

Binalikan naman ni Marilyn ang kanyang bag na dito siya ay hinuli.

Samantala, inamin ng suspek na sa kanya ang nasabing bag ngunit depensa nito na ginagamit lamang umano niya ang marijuana sa pagre-review.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang TCPS para malaman kung saan kinuha ng suspek ang marijuana. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy