Estudyante arestado sa sextortion

By
0 725

DINAKIP ng pulisya ang isang 18-anyos na estudyante sa entrapment operation makaraang pagbantaan nito ang isang 17-an­yos na dalagitang ka- textmate na ikakalat sa social media ang kanilang malalaswang pag-uusap kapag hindi pumayag na maki­pagkita at makipag-sex sa kanya sa Brgy. Tanauan, Bustos, Bulacan kamakalawa nang hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ronnie Pascual, Bustos police chief, ang suspek na si Jances Balatbat y Cruz, college student, ng Brgy. Niugan, Angat, na nahaharap sa kasong sextortion matapos biktimahin ang dalagitang itinago sa pa­ngalang Elsa, 17, estud­yante, at residente sa ba­yan ng Bustos.

Nabatid na si Balatbat ay naging chat at textmate ang biktima at nagkaroon ang dalawa ng mga maseselang pag-uusap sa social media hanggang sa dumating ang puntong tinakot ng suspek ang dalagita na ikakalat ang kanilang pag-uusap kapag hindi puma­yag na makipag-sex sa kanya.

Dahil sa matinding takot ay nagsumbong si Elsa sa kanyang ama na agad ding dumulog sa pulisya na nagsagawa ng entrapment ope­ration.

Dakong alas-2:30 nang hapon nitong Sabado nang makorner ng Bustos police ang suspek na si Balatbat na hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga pulis.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...