Una sa Balita

Estrada kabado sa pagbabalik-acting

0 404

Back to acting si Senator Jinggoy Estrada sa pelikulang ipoprodyus niya na may title na “Coming Home”. Isang OFW movie raw ito kung saan kasama niya si Sylvia Sanchez, Ariella Arida, Edgar Allan Guzman, Jake Ejercito, Martin del Rosario, Shaira Diaz, Smokey Manaloto at marami pang iba.

Line produce raw ito ng ALV Films at maraming ALV Talents na kasama rito. Si Adolf Alix, Jr. ang director at balak daw isali ito sa MMFF Summer Film Festival, kaya mag-uumpisa agad itong mag-shoot.

Kabado raw si Jinggoy sa pagharap ulit sa kamera, dahil matagal na siyang hindi gumagawa ng pelikula at mga de-kalibreng artista pa ang makakasama niya ngayon.

Well, masasanay rin siya, dahil nasa dugo naman niya ang pag-arte.

Marcelito pinakasikat sa socmed

2011 pa nanalo si Marcelito Pomoy sa “Pilipinas Got Talent” at ngayon lang siya pumasok sa kamalayan namin. Paano ba naman, kahit saang page ng YouTube at social media ay bumubulaga sa amin ang ginawa niya sa “America’s Got Talent” na napanood ng buong mundo at milyon-milyong tao around the world ay namangha sa galing niya sa pagkanta na magkaiba ang boses.

Amazing talaga siya. At sana ay magtagumpay siya hanggang sa championship ng “America’s Got Talent”.

***

Sa ikalawang pagkakataon ay makikipagsalpukan na naman si Barbie Forteza kay Coco Martin, ha!

Bida nga si Barbie sa teleserye kung saan ang timeslot nga ay kasabay ng “Ang Probinsyano”.

Hindi naman nag-aalala ang aktres dahil ang importante sa kanya ay ma-improve ang kung ano man nagkulang sa unang teleserye nila na tumapat sa “Ang Probinsyano”.

Ipinagmamalaki rin niya na mga batikang aktor ang mga kasama niya gaya nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Jay Manalo at mga millennial gaya nina Migo Adecer, Kate Valdez at marami pang iba.

Puring-puri naman ni Dina sina Barbie at Kate na very professional daw at hindi sakit ng ulo sa set. At may galang pa raw sa mga nakatatanda na tulad nila. Kaya smooth daw ang taping at laging ready sina Barbie at Kate sa set.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More